Ang Google Scholar ay isa sa mga pinakamabisang website para makahanap ng mga related na articles tungkol sa inyong research. Narito ang mga steps para magamit ito nang maayos.
- Pumunta sa Google Scholar: I-type ang scholar.google.com sa iyong web browser. Nirerecommend namin na sa computer niyo ito gawin.
- Magsearch ayon sa Interes: Ilagay ang mga salitang kaugnay sa iyong interes sa search bar. Halimbawa, kung interesado ka sa “climate change”, ilagay ito sa search bar.
- Gumamit ng Quotation Marks: Kung gusto mong maghanap ng eksaktong phrase, gumamit ka ng quotation marks. Halimbawa, “climate change adaptation” ang isearch mo para sa mga artikulong may eksaktong phrase na ito. Kung hindi mo ito gagawin, hahanapin lang ni Google Scholar ang mga top article na may mga salitang climate, change, at adaptation.
- Mag-click ng “Cited by”: Kapag may natagpuan kang article na interesado ka, i-click mo ang “cited by” upang makita ang mga posibleng article na gumamit ng nasabing source. Ito’y makakatulong sa paghanap ng mas maraming related literature.
- Mag-click sa “Cite”: Kung nais mong kunin ang citation ng isang artikulo, i-click ang “cite” na makikita sa ilalim ng artikulong ito. Pwede mo tong i-copy at paste. I-verify mo muna ang citation kasi minsan may mga mali ang feature na ito.
- Magdagdag ng “site:.ph”: Kung nais mong limitahan ang resulta ng iyong paghahanap sa mga website na may domain na “.ph” (Philippines), idagdag ang “site:.ph” sa iyong query. Halimbawa, “climate change adaptation” site:.ph.
TANDAAN:
- Pumunta sa scholar.google.com sa iyong browser.
- I-type ang mga salitang kaugnay sa iyong interes sa search bar.
- Gamitin ang quotation marks para sa eksaktong phrase.
- I-click ang “cited by” para sa posibleng kaugnayang artikulo.
- I-click ang “cite” para sa pagkuha ng citation.
- Idagdag ang “site:.ph” para sa mga website sa Pilipinas.