Mahalaga sa research ang paghahanap at paggamit ng mga related literature upang suportahan ang iyong mga ideya at argumento. Narito ang ilang mga hakbang para mas madaling makahanap ng mga relevant na sanggunian sa iyong pananaliksik.
1. Huwag Pumili ng Random na Artikulo: Kung ikaw ay bago pa lamang sa mundo ng research, maaari kang pumili ng mga random na article na may kaugnayan sa iyong paksa. Ngunit dapat tandaan na ang layunin ng pananaliksik ay palawakin ang kaalaman tungkol sa iyong paksa. Dahil dito, mas makabubuting gamitin ang mga article na may kaugnayan sa paksa.
2. Basahin ang Primary Reference: Kung mayroon kang primary reference, basahin muna ito. Pagkatapos nito, maaaring basahin din ang mga artikulong inirekomenda o tinukoy ng pangunahing sanggunian.
3. Gamitin ang “Cited By” Feature: Maaari mo ring gamitin ang “cited by” feature ng Google Scholar upping makapaghanap ng mga artikulong bumabanggit sa iyong primary reference.
4. Gamitin ang ConnectedPapers.com: May mga serbisyo rin tulad ng ConnectedPapers.com na nagpapakita ng pagkak-ugnay ng iba’t-ibang pag-aaral.
TANDAAN
- Dahil layunin ng pananaliksik na palawakin ang kaalaman sa isang paksa, hindi sapat na pumili ng random na artikulo; ang mga sanggunian ay dapat may malinaw na koneksyon sa iyong paksa.
- Basahin ang primary reference at ang mga artikulong tinukoy nito.
- Gamitin ang “cited by” feature ng Google Scholar spang hanapin ang mga sumunod na artikulo.
- Pwede rin gamitin ang serbisyong tulad ng ConnectedPapers.com para sa mas mataas na kaalaman sa mga koneksyon sa pag-aaral.