Ano ang mukha ng isang magaling na research adviser?

Naisip mo ba kung paano maging isang magaling na research mentor? Tara at alamin natin ang 10 practices mula sa mga eksperto.

  1. Strategic Pre-Planning
    Bago pa man magsimula, magkaroon ng strategic pre-planning para handa sa iba’t-ibang needs at abilities ng mga estudyante sa buong research process. Alamin ano ang hindi kaya ng studyante pero kailangan niya para sa research, at planuhin paano makakamit ni student ang skills na kailangan.
  2. Clear Expectations
    Mag-set ng malinaw at well-scaffolded na expectations para sa iyong mga student researchers. Dapat exact ano ang kailangan gawin at i-achieve ni student, at kung kailangan dapat magagawa.
  3. Technical Guidance
    Gabayan ang mga estudyante sa technical skills, methods, at techniques ng research sa inyong discipline. Wag pabayaan lang si student na mag-discover paano magtrabaho sa lab.
  4. Balance is Key
    Balansihin ang rigorous expectations at emotional support. Show appropriate personal interest sa kanilang progress.
  5. Build a Community
    Itaguyod ang sense of community sa loob ng research team. Teamwork makes the dream work!
  6. One-on-One Time
    Maglaan ng oras para sa one-on-one, hands-on mentoring. Personal touch is always the best!
  7. Student Ownership
    Palakasin ang student ownership sa research habang tumatagal ang oras. Kahit na totoo na research nila iyan, dapat sa simula malaking bahagi ka pa rin sa project.
  8. Professional Development
    Suportahan ang professional development ng mga estudyante through networking at pag-explain ng norms ng discipline. I-connect mo sila sa mga scientists.
  9. Peer Opportunities
    Lumikha ng opportunities para sa peer at near-peers na matuto ng mentoring skills at magbigay ng mas maraming research opportunities sa iba.
  10. Sharing Findings
    Hikayatin ang mga estudyante na i-share ang kanilang findings at gabayan sila kung paano ito mapapakita sa presentations at sa pagsusulat.

TANDAAN

  • Ang pagiging handa at strategic planning ay susi sa pagiging magaling na mentor.
  • Ang tamang guidance at suporta ay magbibigay-daan sa mga estudyante na magtagumpay.
  • Ang sense of community at teamwork ay magpapalakas sa morale ng research team.
  • Ang pag-empower sa mga estudyante ay magbibigay sa kanila ng confidence at ownership sa kanilang research.


Citation: Walkington, H., & Rushton, E. A. (2019). Ten salient practices for mentoring student research in schools: New opportunities for teacher professional development. Higher Education Studies, 9(4).

Leave a comment