Natatakot ka ba kung paano tinitingnan ng mga panelist ang inyong research paper para sa mga mali? Tara at alamin natin ang mga common na pagkakamali at paano ito maiiwasan.
- Objectives ay dapat SMART
Una sa lahat, ang objectives ay dapat SMART (Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound). Kung hindi, expect na tatanungin ka ng mga panelist kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng iyong objectives. Maganda ring i-specify ang mga variables at kung paano ito susukatin.
Tip: Dapat klaro parati ang objectives o research questions. I-specify ang mga variables at kung paano sila mame-measure. - Alamin ang Bawat Detalye ng Methodology
Siguradong titingnan ang inyong methodology. Dapat alam mo ito mula simula hanggang dulo dahil ikaw ang mag-iimplement nito. Kasama dito ang mga aspeto ng experimental design tulad ng randomization, replication, at iba pa.
Tip: Familiarize mo sarili mo sa bawat step ng iyong methodology. Expect na maraming tanong dito. - Focus sa Results sa Tables at Figures
Ang results ay ang core ng inyong research. Madali lang para sa mga panelist na makita ang mga outliers at tatanungin ka nila dito. Mabilis din nilang makikita kung masyadong malinis ang iyong data at baka pagdudahan ang iyong integridad. Madali rin nilang makikita ang mga hidden trends, kaya siguraduhing alam mo ang relationship ng mga variables. Minsan, ang mga trends ay dahil sa maling methods, at makikita rin ito ng mga panelist.
Tip: Review your data. Alamin ang bawat detalye at pag-isipan mo bakit ganoon ang nangyari. - Comparison sa Literature
Tatanungin ka ng mga panelist kung paano nagco-compare ang iyong values sa mga na-report na sa literature. Maganda na may baseline o comparison para maintindihan ang iyong results.
Tip: Always have a reference point. I-compare ang iyong results sa existing literature. - Questioning Your Statistics
Titingnan din ang iyong statistics. Kung mali ito, mali rin ang iyong conclusions.
Tip: Make sure na tama ang iyong statistics. I-review ito bago mag-present. Maghanap ng tulong sa statistics bago kayo magsimulang magsulat.
TANDAAN
- Ang objectives ay ang foundation ng research. Siguraduhing sila ay SMART.
- Ang methodology ay dapat alam na alam mo. Ito ang blueprint ng iyong research.
- Ang results ay dapat credible at accurate. Alamin ang bawat detalye.
- Ang comparison sa literature ay magbibigay ng context sa iyong results.
- Ang statistics ay crucial. Maling statistics = maling conclusions.