Paano gawing mas kapani-paniwala ang iyong datos?

Click for the English Version

Kung nais mong gawing kapani-paniwala ng iyong data, may ilang simpleng hakbang na maaari mong sundan:

1. Idagdag ang Error Bars Isama ang error bars sa iyong mga graph o figure. Mapapakita nito ang uncertainty ng iyong data at nagbibigay ito ng karagdagang impormasyon sa credibility ng icon data.

2. Ayusin ang Format ng Mga Border ng Iyong mga Table Sa pagbuo ng mga table, maaaring gumamit lamang ng horizontal lines para sa mga border ng iyong table. Ginagawa nitong mas malinaw at mas madaling basahin ang iyong mga table.

Kung pupunta ka sa Microsoft Word, may mga preset na layouts sa “Table Design” na tab. Maaari mo pa itong ayusin at baguhin ayon sa kinakailangan ngunit pwede kang mag-simula sa mga templates.

3. Gumamit ng Sans Serif para sa Iyong Mga Figure Kapag lumilikha ng mga graph o figure, mas mainam gamitin ang mga font na “sans serif” tulad ng Arial o Helvetica. Ang mga “sans serif” na fonts ay walang mga dagdag na mga linya, kaya mas ito ay mas madaling basahin at mas professional tingnan.

4. I-convert ang 3D Figures sa 2D Figures Kung maaari, i-convert ang 3D figures sa 2D figures. Mas maayos na ipinapakita ang mga data sa 2D, at mas madaling unawaan ang mga ganitong larawan sa iyon research. Gaya ng mga tables, madali lang din ang pag-convert nito sa pamamaraan ng Microsoft Word o Excel.

Kung mayroon ka nang chart, maaari mong puntahan ang chart design at i-click ang “change chart type” upang baguhin ang iyong chart na naaayon sa iyong mga pangangailangan.

TANDAAN:

  • Magdagdag ang error bars sa iyong mga charts.
  • Ayusin ang format ng mga borders sa mga tables. Siguraduhin na horizontal lang ang borders ng icon table.
  • Pumili ng sans serif font tulad ng Arial o Helvetica para sa iyong mga figures.
  • Kung maaari, i-convert ang 3D figures sa 2D upang mas madali itong unawaan ng mga mambabasa.

Leave a comment