Click here for the English Version
Madalas ang iyong mga resulta ay manggagaling sa mga graphs at tables habang ang mga diskusyon ay manggagaling sa text. Sa simpleng paliwanag, hindi mo maaaring magkaruon ng resulta at diskusyon ng walang iyong mga graphs at tables. Kung nalilito ka kung paano ipapakita ang iyong data, tandaan lamang na karaniwang ang mga graphs na kailangan mo ay mahahati sa dalawang kategorya: Kung kailangan mong ipakita ang numerical results, gamitin ang isang table. Sa kabilang banda, kung kailangan mong ipakita ang trend sa data, gamitin ang isang scatter plot. Karaniwan, hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa ibang uri ng charts!

Sa figure na ito mula sa isa sa mga student groups ni Le, nais ng mga mananaliksik na ipakita ang datapoint na hindi sumusunod sa trend, kaya ginamit nila ang scatter plot.

Sa isa pang pag-aaral, nais ng mga estudyante ni Le na ipakita ang trend ng titration curves lalo na’t ang curves sa kanang bahagi ay nagbibigay ng mas maraming impormasyon kumpara sa sa kaliwa. May iba pang quantitative data na maaaring mailapat sa scatter plot, ngunit dahil masyadong maraming impormasyon, nagdesisyon silang ilagay ang natirang impormasyon sa isang table.

Tandaan
Laging ilagay ang iyong mga figures at tables sa unahan! Hindi mo maaaring magkaruon ng magandang diskusyon nang wala ang mga ito.
Kung nais mong ipakita ang numerical results, gumamit ng table; kung nais mong ipakita ang trends, gumamit ng scatter plot.
Sa kaso na ang iyong data ay maaaring magkaruon ng masyadong maraming impormasyon, maaari mong gamitin ang parehong scatter plots at tables upang mapanatili ang kaayusan ng iyong data.