Click here for the English Version
Alam mo ba kung paano i-interpret ang p-value? Balikan natin ang null hypothesis, na siyang hypothesis na iniisip natin maliban na lang kung may sapat na dahilan o ebidensya para itong itanggi. Dito, magagamit natin ang p-value bilang ating ebidensya. Karaniwan, ikinukumpara natin ang p-value sa 0.05 o 5%. Ito ang tinatawag na significance level at ginagamitan natin ito ng variable na α (alpha).
Kung ang p-value ay mas mababa kaysa sa alpha, kinakailangan nating itanggi (reject) ang null hypothesis. Kung ito ay mas mataas kaysa sa alpha, hindi nating mataitanggi (fail to reject) ang null hypothesis . Kung ang p-value ay pareho o halos pareho sa alpha, depende sa statistician kung ire-reject o hindi ang null hypothesis, dahil ang p-value ay nakasalalay sa kalidad ng iyong eksperimento. Gayunpaman, mas mabuting ulitin ang eksperimento para maging sigurado. Kaya’t hindi natin sinasabi na “tinatanggap ang null hypothesis” o “accept the null hypothesis”. Hindi talaga natin ito matatanggap dahil ang mga resulta ay depende lamang sa kalidad ng eksperimento. Kung ang p-value ay mas mataas kaysa sa alpha, ang ebidensya ay nagsasabing hindi sapat para itong i-reject – maaari pa ring may kawalan ng katiyakan na ito ay maaaring i-reject.
Tandaan:
Ang p-value ay maaaring makakapagsabi kung I-reject o hindi i-reject ang null hypothesis.
Kung ang p-value ay mas mababa kaysa sa alpha, kinakailangan nating i-reject ang null hypothesis. Kung hindi, hindi natin to i-reject.
Hindi natin matatanggap ang null hypothesis dahil ang mga resulta ay nakasalalay sa kalidad ng ating eksperimento.