Naisip mo ba kung paano unang tinitingnan ng mga panelist ang inyong research paper? Swerte niyo, kasi today, deep dive tayo sa mga detalyeng tinitingnan ng mga panelist sa inyong papel.
- Tinitingnan ang Formatting ng Title Page
Una sa lahat, ang title page. Tinitingnan ng mga panelist kung sumusunod ba ito sa guidelines ng inyong school, kaya siguraduhin na alam niyo ang specific formatting rules.
Tip: Always consult your school’s research manual (or past researches) para sa tamang formatting.
- Tinitingnan ang Page Numbers
Next, ang page numbers. Tinitingnan ng mga panelist kung tama ba ang pagkaka-format ng numbers, or kung wala bang numbers na nalagay. Napadali magkamali dito, pero ang bilis makita ng mali.
Tip: Double-check your page numbers bago mag-submit. Small detail pero malaking bagay ‘to.
- Tinitingnan ang Tenses
Grammar alert, mga ka-researcher! Tinitingnan ng mga panelist kung tama ba ang pagkaka-tense ng mga pangyayari sa paper. Kung nagawa niyo na ang experiment, past tense na dapat. Consistency is key dito.
Tip: Bago mag-submit, i-review ang buong paper para sa mga inconsistencies sa tense.
- Tinitingnan ang Figures at Tables
Tinitingnan ng mga panelist kung appropriate at readable ba ang lahat ng figures at tables. Make sure na may value ito sa paper niyo at hindi lang pampaganda. Actually, make sure na maganda din sila in the first place.
Tip: Lagyan ng clear na label ang inyong figures at tables at siguruhing mataas ang quality.
- Ikinukumpara ang Objectives at Conclusions
Last but not least, tinitingnan ng mga panelist kung aligned ba ang inyong objectives sa conclusions. Kaya magandang idea na i-number ang inyong conclusions gaya ng inyong objectives.
Tip: Gumawa ng checklist ng objectives at i-tick off habang sinusulat ang conclusions.
TANDAAN
- Ang title page ay first impression niyo. Make it count by following your school’s specific guidelines.
- Ang page numbers, kahit maliit, ay mahalaga. Siguruhing tama ang formatting.
- Ang consistency sa tenses ay crucial para sa readability at credibility ng paper.
- Ang figures at tables ay hindi lang dapat eye-candy; dapat may value sa paper.
- Ang pag-align ng objectives at conclusions ay essential para sa well-rounded na research paper.