Sa mundo ng research, importante ang tamang pagkakaintindi sa null hypothesis at alternative hypothesis. Sila ang mga pundasyon ng ating pag-aaral at ang mga guide natin sa pagkolekta ng data.
Ang Null Hypothesis, o H0, ay ang palagay na walang nangyayari – na ang lahat ay normal. Ito ang default assumption natin hanggang sa may ebidensiyang magpapatunay na mali ito. Halimbawa, kung ang isang researcher ay nag-aaral ng epekto ng isang gamot sa pasyente, ang null hypothesis ay maaaring “Ang gamot na ito ay walang epekto sa pasyente.”
Kapag nagkaroon tayo ng statistical na ebidensya mula sa ating experiment, maaari tayong magdesisyon na tanggihan ang null hypothesis. Kapag tinanggihan natin ang null hypothesis, ibig sabihin, inaakala natin na may nangyayari – hindi na normal ang sitwasyon. Ito ang tinatawag na Alternative Hypothesis, o HA. Sa halimbawa natin, ang alternative hypothesis ay maaaring “Ang gamot na ito ay may epekto sa pasyente.”
Hindi natin tinatanggap ang null hypothesis kung hindi natin siya matatanggihan. Hindi angkop sabihin na “we accept the null hypothesis” kasi limitado tayo sa kalidad ng experiment natin. Ang masasabi lang natin ay “reject the null hypothesis” o “fail to reject the null hypothesis.”
TANDAAN:
- Ang Null Hypothesis ay ang palagay na walang nangyayari – normal ang lahat.
- Tinatanggihan natin ang Null Hypothesis kapag mayroon tayong statistical na ebidensya.
- Ang Alternative Hypothesis ay ang palagay na may nangyayari – hindi normal ang sitwasyon.
- Hindi natin ma-aaccept ang isang hypothesis bilang totoo. Mananatili silang assumption at gabay sa konteksto ng ating experiment.