Alam natin na ang paghahanap ng research gap ay isa sa mga pinaka-importanteng hakbang sa paggawa ng isang magandang research paper. Pero alam niyo ba na madalas, ang mga author mismo ang nagbibigay ng clues kung saan tayo pwedeng mag-focus para sa future research? Narito ang ilang mga lugar sa isang research article kung saan madalas itinatago ang mga “golden nuggets” na ito.
- Sa Dulo ng Abstract
Sa abstract pa lang, madalas ay mayroon nang mga suggestion ang mga author para sa future research. Ito ay para sa mga taong gusto ng quick overview at agad-agad na may idea kung ano ang mga puwedeng pagtuunan ng pansin sa hinaharap. Kung hindi rin relevant para sa inyo ang research gap dito, pwede niyo na hindi basahin nang mas malalim ang paper.
Tip: Huwag kalimutan na ang abstract ay isang summary lamang, kaya’t mas mainam na basahin pa rin ang buong paper para sa mas detalyadong impormasyon.
- Sa Dulo ng Conclusion
Sa conclusion, madalas ay may summary ng findings at recommendations para sa future work. Ito ay isang magandang lugar para hanapin ang mga specific na aspekto na puwedeng pagtuunan ng pansin sa iyong sariling research.
- Sa Mga Huling Bahagi ng Discussion o sa Final Sections ng Main Paper
Ito ang bahagi kung saan ang mga author ay nagdi-discuss ng limitations ng kanilang study at ang mga potensyal na direksyon para sa future research. Usually, kailangan pag-usapan ng mga author ito sa dulo para mabigyan ng mas mainam na konteksto ang results nila. Dito mo makikita ang mga detalyadong aspekto na puwedeng pagtuunan pa ng pansin.
TANDAAN
- Minsan, may mga research gap kayong nakikita agad sa dulo ng abstract.
- Kadalasan, may research gap din sa dulo ng conclusion para maging “final words” ng author sa kung ano ang sunod na gagawin.
- Nagdidiscuss din minsan ang authors ng research gap sa dulo ng discussion o sa mga huling bahagi ng article nila para mabigyan ng konteksto ang results nila.