Paano gumawa ng Input-Process-Output na Conceptual Framework?

Click for English version

@tanimtalino

Replying to @marcangelosoria99 input process output framework 🙂 #researchtip #eduwow #pinoyscience

♬ original sound – tanimtalino – Tanim Talino

Nakakalito ba ang paggawa ng conceptual framework para sa iyong research project? ‘Wag ka nang mag-alala! Tatalakayin natin kung paano gumawa ng Input-Process-Output (IPO) conceptual framework na magiging gabay mo sa iyong STEM research. Sundan mo lang ang mga sumusunod na steps:

  1. Kilalanin ang Output

Una, dapat mong malaman kung ano ang output (minsan dependent variable) na relevant sa iyong research question. Halimbawa, kung ang research mo ay tungkol sa epekto ng iba’t ibang uri ng pataba sa paglaki ng halaman, ang output ay ang sukat ng paglaki ng halaman.

  1. Tukuyin ang mga Input

Isipin mo ang output na parang produkto ng isang makina. Ano ang mga ingredients na kailangan mong ilagay sa makina para lumabas ang output? Ang mga ito ang tinatawag na inputs. Sa ating halimbawa, ang inputs ay ang iba’t ibang uri ng pataba na iyong itetest. Pwede rin gaano karaming pataba ang gagamitin.

  1. Ilarawan ang Proseso

Sa sunod na step, i-describe mo ang makina. Ang makina ay ang proseso na nagpapalabas ng output mula sa inputs. Sa ating halimbawa, ang proseso ay ang pagtatanim ng halaman at pag-aapply ng iba’t ibang uri ng pataba.

  1. Pagsama-samahin ang Lahat sa Isang Figure

Sa huling step, isama mo lahat ng na-identify mong output, inputs at proseso sa isang figure. Ang figure na ito ang iyong Input-Process-Output (IPO) conceptual framework. Sa gitna ng figure, ilagay ang proseso. Sa kaliwa, ilagay ang mga inputs, at sa kanan, ang output.

TANDAAN:

Ang output o dependent variable ang resulta na gusto mong malaman sa iyong research.

Ang inputs ay ang mga bagay na binabago mo o sinusubukan sa iyong experiment.

Ang proseso ay ang hakbang o method na ginagamit mo para makakuha ng output mula sa inputs.

One thought on “Paano gumawa ng Input-Process-Output na Conceptual Framework?

Leave a reply to AdrianPerucho Cancel reply