Sa Marikina Shoe Museum, makikita ang iba’t ibang uri ng mga sapatos. Pwedeng pag-aralan ang kemikal na ginagamit rito at tingnan kung ligtas gamitin ang mga kemikal na ito kung hindi kontrolado. May isang pag-aaral sa factory workers ng sapatos sa Pakistan kung saan kinumpara ang kemikal sa dugo ng mga factory workers sa karaniwang tao.
Sa bar graph na makikita sa video, maaari nating icompare ang average blood sugar o glucose levels ng mga factory workers sa mga karaniwang tao. Dito, makikita natin na mas mataas nang kaunti ang average glucose level ng mga factory workers kaysa sa karaniwang tao.

Baka may mapansin ka sa bar graph. Ano ang pinapakita ng mga thin lines? Ito ang error bars at nagpapakita ito ng uncertainty (kawalan ng katiyakan) sa iyong datos. May posibilidad na ang totoong halaga ng blood sugar ay hindi ang average, kundi ito ay maaaring makita sa loob ng range ng error bars. Ibig sabihin, kahit na medyo mas mataas ang average ng blood sugar ng mga manggagawa, kung nag-o-overlap ang error bars ng daalwang grupo, may posibilidad na pareho lang ang dalawang halaga. Sa madaling salita, hindi natin masasabi mula sa graph na mas mataas ang blood sugar ng mga factory workers kaysa sa karaniwang tao.
TANDAAN:
Ang error bars ay mga maninipis na linya sa graphs na nagpapakita ng uncertainty sa iyong datos.
Ang totoong halaga ng iyong sample ay maaaring hindi kailangang maging average, kundi maaaring nasa loob ng range ng error bar.
Mahalaga na hindi gumawa ng konklusyon batay lamang sa average lalo na kung magkapareho ang error bars.