Ang average o ang mean ay isang tukoy ng center ng data. Binibigay ito para ma-summarize ang expected value ng variable na pinag-aaralan mo.
Para maintindihan mo ito, panuorin mo ang sumusunod na video:
Madali lang naman i-calculate ang average gamit ang Google Sheets o Microsoft Excel.
I-encode mo lang ang data mo na kailangang i-average. Sunod, sa isang empty na cell, i-type mo ang:
=average(
at i-drag mo ang mouse mo sa data. Pagkatapos, lagyan mo ng close parenthesis at i-click ang enter. Halimbawa:
=average(A1:A3)
Pwede mo din tingnan ang sumusunod na demonstration:

Ang mga pwede mong i-average na data ay dapat tumutukoy sa isang bagay lamang. Sa video, ang variable na ina-average ay isang bagay: ang height ng adult Filipino male. Kung kasali ang mga adult Filipino female sa average, iba na din ito na tinutukoy na variable: height of adult Filipinos.
Sa research niyo, mag-ingat na hindi niyo kukunin ang average ng magkaibang treatment, o magkaibang variable.
TANDAAN:
Kinukuha ang average o ang mean dahil tinutukoy nito ang expected value ng variable.
Hindi dapat kunin ang average o mean ng magkaibang treatment o variable.