Paano gawin ang Definition of Terms?

@tanimtalino

Kala niyo ba copy paste lang galing dictionary? 😭 #eduwow #pinoyscience

♬ original sound – tanimtalino – tanimtalino

Ang Definition of Terms ang ginagamit na basehan para nagkakaintindihan ang researcher at ang nagbabasa. Kaya, dapat naka-define ang mga nakakalito na mga term: kadalasan, ito yung mga term na unique sa study niyo.

Tips sa mga dapat i-define:

1. Mga variable na ginagamit niyo sa study: Maliban sa mga karaniwang variable (halimbawa: temperature, time), bigyan niyo ng kahulugan ang mga variable para hindi ma-misinterpret ang study niyo.
2. Mga acronym na unique sa study niyo: Pag madalas niyong ginagamit ang acronym na hindi pa marami ang nakakaalam, i-define niyo ito.
3. Mga mahirap na term na paulit-ulit niyong ginagamit: Kung may ginagamit kayong jargon, theory/theoretical framework, o method, isali sila sa Definition of Terms.
4. Mga term na may specific kayo na paggamit: Kung may term na may specific information sa study niyo na iba sa definition na nasa dictionary, kailangan mo silang i-define.

Protip: Tingnan niyo ang title, objectives, at methods niyo. Kadalasan, mahahanap mo ang mga importanteng term na kailangang i-define sa mga parteng ito.

Tips sa mga dapat HINDI i-define:

1. Mga bagay na alam na ng karamihan at walang misunderstanding: Iwasan na ang pagtukoy ng mga term na di na kailangang basahin ang definition.
2. Mga bagay na di naman mahalaga o di karaniwang ginagamit sa study: Kahit na kaunti lang ang nakakaintindi sa kanila, kapag di naman sila mahalaga sa study niyo, wag na isali.

Protip: Isipin mo lagi kung ano ang kailangan na information ng reader. Kung tingin mo di nila maiintindihan ang term, isali niyo ito sa Definition of Terms.

Kung ang definition ay galing sa source, siguraduhin na may kasamang citation ang definition.

Tingnan mo ang sumusunod na halimbawa para mas maintindihan mo:

TANDAAN:

I-define ang mga unique na term na may posibilidad na mali ang pagkakaintindi ng nagbabasa.

Iwasan ang pagdefine ng mga term na hindi mahalaga o hindi na kailangang i-define.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: