Ano-ano ang level at treatment?

@tanimtalino

ez experimental design. road to 100 na ba in research? #eduwow #pinoyscience

♬ original sound – tanimtalino – tanimtalino

Sa experimental na research, ang bawat value ng independent variable na pag-aaralan mo ay tinatawag na level.

Ikaw ang pipili kung anong values (at ilan) ang gagamitin mo para sa mga independent variable.

Tips sa pagpili ng values ng mga level:

1. Gayahin ang levels ng reference niyo. Kung may rason kayong maniwala na epektibo ang levels ng reference sa sarili niyong research, pwede niyo itong gamitin. Lagyan niyo ng citation sa methodology.

2. Pumili ng high value at low value. Kung exploratory ang research niyo, o yung tipong wala kayong mahanap na magandang reference para ibase ang values niyo, mas madali kung pipili kayo ng low value: kadalasan, ito yung default na value o malapit sa kanya. 

Kunwari kailangan niyo ng levels para sa temperature, piliin niyo ang low value na 30°C, kasi malapit lang ito sa room temperature at hindi na kayo mahirapan mag-adjust. Tapos, pumili kayo ng high value, halimbawa 60°C. Kung kailangan mo pa ng pangatlong level, kunin mo ang gitna ng high at low: 45°C. Pwede mo pa kunin ang gitna ng mga level kung gusto mo pa ng mas marami.

3. Wag pumili ng levels na malapit sa isa't isa. Siguraduhin niyo na malayo ang mga level sa isa't isa. May posibilidad kasi na ang pagbabago sa dependent variable sa pagitan ng dalawang malapit na level (halimbawa 50°C and 60°C) ay masyadong maliit na hindi niyo ma-detect ang epekto nila.

4. Wag ramihan ang levels kung di kailangan. Pwede namang dalawa o tatlo lang ang level na pag-aaralan niyo. Tandaan lagi na magastos ang research sa pera, oras, at effort. Wag paramihin ang levels lalo na kung komplikado ang methods, 

Kung sobra isa ang independent variable mo sa research, ang combination ng levels na i-aapply mo sa isang experiment ay tinatawag na treatment. Gaya ng levels, wag masyadong paramihin ang treatments.

May experimental designs naman na kayang mag-generate ng magandang insights kahit mas konti ang treatments na kailangang gawin. Mga halimbawa nito ay fractional factorial design, balanced incomplete block design, at central composite design. Ang pinakasimple ay ang completely randomized design, pero baka simple lang din ang insights na makukuha niyo.

TANDAAN:

Ang level ay isang value sa independent variable na pag-aaralan niyo.

Ang treatment ay kombinasyon ng mga level ng independent variable na i-aapply mo sa isang experiment.

Huwag ramihan ang levels/treatments kasi magastos sila sa pera, oras at effort.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: