Paano planuhin ang RRL?

Ang Review of Related Literature o RRL ay isang dokumentong tumutukoy sa mga references at literature na mahalaga para sa kasalukuyang research niyo.

Sa high school at kahit sa college, importanteng tool ang RRL para ma-appreciate ni student (at ng reader) ang kahalagahan ng research niya. Para makamit niya ang layuning ito, kinakailangang logical ang sequence at sapat ang bilang ng references.

Nakakatulong sa pagkamit ng logical na sequence ang pagtanong sa sarili: “Ano ang una kong dapat malaman para maintindihan ko itong research? At ano ang sunod?”

Ibig sabihin nito, kailangang magsimula kayo sa general na mga ideya bago kayo magsimula sa mga specific.

Ang mga bagay na “kailangan maintindihan” ay magiging “themes” o “sections” niyo sa RRL. Para maging sapat ang bilang ng references, subukan niyong makaabot ng tatlong paragraphs at reference bawat theme o section.

Isang madaling logical sequencing ng RRL ay ang sumusunod:

  1. Background information
  2. Theories and methods
  3. Related studies

Simulan mo ang RRL sa pagtukoy ng background information. Sa mga theme o section sa ilalim nito, subukan niyong sagutin ang mga tanong na:

Ano ang pag-uusapan namin na topic sa research na ito?
Ano ang mga related na research question galing sa mga topic na ito?

Mahalagang gawin ito upang masigurado niyo na tama ang pagkaintindi niyo sa pinaka-basic na konsepto.

Sa theories and methods, subukan niyong sagutin ang mga tanong na:

Ano ang mga theory at concepts na kailangan namin para sa research na ito?
Ano ang mga methods na gagamitin namin sa research na ito?
Ano ang mga advantage at disadvantage sa mga theory, concept at method na gagamitin namin?

Mahalagang gawin ito upang (1) masigurado niyong magiging tama ang paggamit niyo sa kanila, at (2) maintindihan niyo bakit ito na mga theory, concept o method ang gagamitin niyo at hindi ibang option.

Pwede kayong mag-brainstorm para ma-enumerate niyo ang mga theme o section na makakasagot sa mga tanong sa background information at theories and methods.

Sa related studies na sarili niyang section, subukan niyong sagutin ang mga tanong na:

Ano ang mga studies na kagaya sa aming kasalukuyang research?
Ano ang mga nagawa nila na pwede naming gayahin?
Ano ang kanilang mga kakulangan kaya kailangan namin gawin ang aming research?

Mahalagang gawin ito upang (1) masiguradong novel ang research niyo, at (2) susunod kayo at dadagdagan niyo kung ano man ang alam na ng mga researcher sa topic na ito.

Sa ibang salita, makakatulong kayo kung gagawin niyo yung research kasi nakabase yung research niyo sa trabaho ng ibang researcher saan man sa mundo. Hindi niyo ginagawa ang research para sa sarili niyo lang kung na-review niyo ang nagawa na ng iba para sa topic na ito.

TANDAAN:

Ang Review of Related Literature o RRL ang magiging dokumento mo at ng kahit sinong reader upang maintindihan nang husto ang mga konseptong kailangan sa research niyo.

Kinakailangang logical ang sequence at sapat ang bilang ng references.

Isang madaling logical na sequence sa RRL ay ang pagtukoy una ng background information, sunod theories and methods, at huli related studies.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: