Madalas nakakakain ng oras ang paghanap ng mga reference article para sa iyong research study, pero pwedeng mapadali ang prosesong ito. Para makuha ang gist ng isang research article, basahin mo ang abstract!
Tuwing nagbubukas ng research article, alamin ang iyong nais malaman.
Ang abstract ay makikita sa unang bahagi ng article, at ito’y madalas nahahati sa apat na bahagi:
- Ang mga unang sentence ay tungkol sa rason ng research, o ang “mga “bakit.” Dito natin makikita ang maikling introduction sa research problem, at ang overview sa ginawang research.
- Ang gitnang bahagi ay tungkol sa methods na ginawa sa research, o kung paano ginawa ang mga experiment o ang data collection. Dito natin makikita ang overview ng methodology ng study.
- Pagkatapos nyan, naibabahagi sa abstract ang key results ng study, o kung ano-ano ang mga na-achieve sa study. Dito natin makikita ang mga nakalap na impormasyon sa paggawa ng research methods.
- At sa huli, makikita natin ang mga kongklusyon at mga implikasyon ng study. Dahil isinasagawa ang research para makabigay ng tugon sa isang research problem, makikita sa porsyon kung ano ang sunod gamit ang impormasyong nakalap.
Kapag hindi sapat ang pagbasa ng abstract, maaaring gamitin ang search function upang malaman kung relevant ba ang paper para sa iyo. Ang keyboard shortcut ng “Find” o earch function ay Crtl+F sa Windows, at Command+F para sa Mac devices.
Magiging mahalaga ang paggamit mo ng Find function para mahanap ang mga keywords sa isang article.
TANDAAN:
Madali mong malalaman kung relevant ba ang isang article gamit ang kanyang abstract.
Nasa abstract ang rason ng pagsasagawa ng research, ang mga methodology, ang mga key results, at ang mga kongklusyon at mga implikasyon ng research.
Magtrabaho nang matalino para maka-save sa oras at effort! Gamitin ang search function (Ctrl+F) para madaling makita kung naglalaman ang research article ng mga relevant na impormasyon para sa sarili mong research.