Ano ang randomization?

Ang randomization ay isang planadong proseso sa pag assign ng mga bagay sa experiment nang walang pili. Kapag sinasabing planado pero walang pili, ang ibig sabihin nito ay dapat may sistema sa pag-randomize. Hindi pwede ang “bahala na.”

Para maintindihan ito, basahin ang mga sumusunod na halimbawa:

  • Kung may dalawang gamot (Drug A at Drug B) at dalawang participant (Participant A at Participant B), hindi dapat agad-agad na mapupunta ang Drug A kay Participant A o kay Participant B. Pwedeng i-assign ito gamit ang coin flip.
  • Kung may tatlong treatment (Treatment A, Treatment B, at Treatment C) na kailangang basahin ng machine o instrument, hindi dapat agad-agad na mauuna si Treatment A at mahuhuli si Treatment C. Pwedeng i-assign ang ayos ng pagbasa gamit ang random number generator ng calculator o website.
  • Kung may sampung treatment na may tig tatlong sample na kailangang gawin at ipa-develop nang 15 minuto, hindi dapat gawin muna ang lahat ng Treatment 1, tapos ang Treatment 2, atbp., bago sabayang ibasa. Pwedeng i-assign ang ayos ng paggawa ng mga sample gamit ang statistical software.

Lahat ng mga naka-bold sa listahan ay mga halimbawa ng mga “random” na sistema. Ang mga ito ay halimbawa na hindi pwede “bahala na” ang ang paggawa ng mga assignment.

Ginagawa ang randomization upang maiwasan ang “bias” o mga error galing sa mga assignment. Masdan ang mga potensyal na epekto kapag hindi na randomize nang maayos ang mga halimbawa:

  • May natural na resistensya pala si Participant A sa Drug A. Kung agad-agad na na-assign ang Drug A sa kanya, magiging mali ang konklusyon ng experiment sa lakas ng Drug A. (Kaya kailangan din ng mas maraming participant; hindi pwedeng dalawa lang.)
  • Dahil sa limitasyon ng instrumento, nagsisimula mag-fluctuate ang display makalipas ang 20-30 minuto. Kung hindi na-randomize ang pagbasa, malaki ang error ng lahat ng Treatment C (huling nabasa), at maliit sa lahat ng Treatment A (unang nabasa). Hindi na magiging kasing epektibo ang statistical analysis.
  • Kung sabay-sabay babasahin ang mga sample pero hindi randomized ang paggawa ng mga treatment, may posibilidad na may epekto ang pagkakaiba ng development time. Lahat ng mga treatment ay may bias. (Kung sabay nagawa ang lahat ng sample, marahil maiiwasan ito na problema.)

TANDAAN:

Kung may mga kailangan kang i-assign sa research, kailangan mo mag randomize.

Hindi “bahala na” ang pag randomize. Kailangang may sistema na random, gaya ng coin flip, random number generator, o software.

May potensyal na bias o error na lalabas sa data kung hindi maayos ang pag-randomize ng experiment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: